FlipTop Unibersikulo: Dos Por Dos Finals Announcement + Program Schedule + Pre-event Review

8:02 AM Juan Dela Cruz 0 Comments

Kasaysayan ulit bukas! At para lalong maging mas maganda ang event, ito mga ilang paalala’t patakaran.
 
 
1)      BAWAL MAG-RECORD SA ANOMANG PARAAN NG MGA BATTLE (VIDEO, AUDIO, PHOTO; pwede tuwing break o performances)
 
2)      MAGING SIBILISADO TUWING BATTLE. SIYEMPRE MAY REAKSYON TAYONG LAHAT SA MGA LINYA PERO WAG ABUSUHIN AT WAG SIRAIN YUNG TAKBO NG BATTLE O KARANASAN NG KATABI MONG BAKA MAS SERYOSONG MAKIKINIG SA MGA LINYA. TANDAAN, KAPAG MAGULO KA MAG-REACT, MALIBAN SA NEGATIBONG IMPLUWENSYA SA KALABASAN NG BATTLE, HINDI MO LANG SISIRAIN YUNG BATTLE PARA SA MGA MANUNUOD NG LIVE, PERO SISIRAIN MO RIN PARA SA LAHAT NG MANUNUOD SA BUONG MUNDO. ‘WAG MAGPAIMPORTANTE AT HINDI PORKET NAGBAYAD KA NG TICKET IBIG SABIHIN PWEDE KA NA MAGASAL BARBARO NA KALA MO PARA SAYO LANG MISMO ANG EVENT PARA BABUYIN. 
 
3)      KAPAG HINDI KA INTERESADO SA BATTLE, MAKIPAGDALDALAN KA NA LANG SA LABAS. KAHIT AKALA MO MAHINA BOSES MO AT MALAYO KA NAMAN, RINIG PARIN YAN AT MAKAKASIRA NG BATTLE. MALABO RIN YUNG SASAYANGIN MO PERA MO PARA MAKIPAGDALDALAN SA GILID O MAKIKIEKSENA LANG PERO AASTANG NAPILITAN LANG MANUOD KAYA MAKIKIPAGDALDALAN NA LANG. WALA NANG WARNING-WARNING, KAHIT SI PACQUIAO KA MAN, PAPALABASIN KA NG WALANG REFUND.
 
4)      HUWAG KULITIN ANG MGA RAPPER KAPAG HALATANG BUSY O NAGHAHANDA. HUWAG NA HUWAG KULITIN ANG STAFF LALO NA SI ANYGMA. MATUTONG LUMUGAR AT MAGING MAGALANG KAPAG MAY HIHINGIN KAYO (HINDI YUNG NANGHIHILA NG SIKO O BALIKAT, MANGAAKBAY NG BASTA BASTA, O YAYAKAP SA BEWANG NA AKALA MO KUNG SINO CLOSE). BUONG GABI NAMAN ANDYAN ANG MGA IDOLO NIYO PARA PIKCHURAN AT HINDI KA NAMAN MAMAMATAY KAPAG HINDI MO SILA NAPIKCHURAN. KONSIDERASYON LANG!
 
5)      BAWAL MAGPASOK NG PAGKAINAT TUBIG GALING SA LABAS. SIYEMPRE BAWAL ANG ARMAS LALONG LALO NA ANG PINAKA MAPANGANIB NA ARMAS, ANG PALPAK NA UTAK.
 
6)      MAKAKATULONG KUNG MAGDALA KAYO NG: PAYONG, PAMUNAS, EXTRA SHIRT, AT PAMAYPAY. EXTRA BRIP NA RIN PAG TRIP MO.
 
7)      BAWAL BUMILI NG ALAK ANG MENOR DE EDAD. SA IBANG LUGAR NA LANG KAYO UMINOM PARA DI KAMI DAMAY.
 
8)      DROGA? MAY PULIS LANG SA LABAS. CRIME LAB YUNG KATAPAT NG VENUE KUNG HINDI NIYO PA NAPAPANSIN.
 
9)    WALANG STREAM. OO MAY TICKETS PA SA GATE PERO P700 NA NGA. LIMITADO ANG CAPACITY NG VENUE KAYA KUNG GUSTONG HUMABOL, AGAHAN!
 
 
Ayun, posibleng may kulang pa pero saka na lang naming babanggitin.


ITO PALA ANG SCHEDULE BUKAS (NANG HINDI BABANGGITIN KUNG SINO MISMO ANG MGA LALABAN PERO MALAMANG MAHUHULAAN NIYO NAMAN ORDER NG MGA LABAN)


6:00 PM                GATES OPEN
7:30 PM                DJ 1 + GRAFF
8:00 PM                BEATBOX BATTLE
8:15 PM                BATTLE 1
8:35 PM                BATTLE 2
8:55 PM                DJ 2
9:25 PM                BATTLE 3
9:45 PM                BATTLE 4
10:05 PM             DJ 3
10:35 PM             BATTLE 5
10:55 PM             BATTLE 6
11:15 PM             BEATBOX BATTLE 2
11:35 PM             DJ 4
12:05 AM             BATTLE 7
12:25 AM             BATTLE 8
12:45 AM             DJ 5
1:15 AM                FINALS

NATIMBREHAN NA LAHAT NG EMCEE NA DUMATING SA TINAKDANG CALLTIME KAYA KUNG LATE KAYO, ABANG ABANG NALANG NG VIDEOS. NO FILIPINO TIME TAYO!!

AT

MAIKLING REVIEW KADA LABAN

SHEHYEE/SMUGGLAZ VS HARLEM/JUAN LAZY – Posibleng maging isa sa pinaka-animated na battles sa kasaysayan ng liga. Lahat sila gutom at hindi magpipigil kahit magkakaibigan at madalas magkasama pa sa gig. Huwag na huwag babuyin ang pag-react sa battle na to.

TARGET VS BADANG – Mabigat. Isa sa pinaka-mabigat na match ups pagdating sa lirisismo. Asahan na parehong di pipikit ang dalawang beterano na to.

BATAS VS J-SKEELZ – Style clash, rematch, muling pagbalik ni Batas, at unang publikong laban ni J-Skeelz sa FlipTop.

ZAITO VS BASSILYO – Parehong beterano at parehong marunong magtanghal para sa crowd. Magdala ng pain killer para sa panga kasi sasakit talaga yan!

APEKZ VS BLKD – Unang beses sa FlipTop susubukan ang format ng battle nila. Tig isang limang-minutong rounds. Uulan ng mabibigat na linya.

SILENCER VS FROOZTREITTED HOEMMIZYD – Parehong may balang pangubusan at parehong halimbawa ng matalim na street (o kanto) style na mga linya. Siguradong yarian to at magpapakita ulit pareho ng level up.

NOTORIOUS VS TIPSY D – Bars vs Jokes? Kung anoman, wala pang talo pareho sa 1 on 1 at pareho silang unang beses kakalaban ng kabilang istilo.

DELLO VS RIGHTEOUS 1 – Muling pagbalik ni Dello at unang laban ni Righteous1 mula ng laban niya kay Batas. Parehong may freestyle ability (oo, wag i-underestimate freestyle ability ni Righteous1, Sunugan Freestyle Champion siya).

CALIBER VS NEGATIBO – Underrated ang improvements ni Caliber at handang handa siyang ituloy ang pagpahiya ng mga kritiks. Si Negatibo naman ay galing lang ng tour sa Europa at magiging pangalawang laban niya sa FlipTop. Asahang gutom na gutom din siya at magpapakita ng kakaibang improvement din!


Naglalaway na ba kayo?

Tandaan, posibleng suwelduhan bukas kaya lalong trapik papuntang B-Side. Maaga sisimulan kaya kung habol niyo ay full FlipTop experience, agahan niyo rin!

Kita kits!!! 

You Might Also Like

0 comments: