Showing posts with label FlipTop Mindfields 2012. Show all posts

FlipTop Mindfields


MAKATI + DAVAO + TAGBILARAN + CAVITE + OLONGAPO

* * * MINDFIELDS * * *

HIPHOP EDUCATION AND HIPHOP CELEBRATION

5 SEPARATE VENUES AROUND THE COUNTRY!

FREE ENTRANCE


FlipTop Mindfields, FlipTop Mindfields 2012, FlipTop, Anygma, Fliptopbattles The Fliptop Battle League, Loonie, Zaito, Abra, Shehyee, Smugglaz


--> Para sa mga hindi pa nakakapanuod ng Mindfields, sa ibang salita, ito yung non-battle-oriented event ng FlipTop. 

Beteranong emcee, baguhang hiphop, outsider pero seryosong interesado sa kultura, nangangating emcee, beatboxer, b-boy, graff writer, DJ, old school enthusiast? Lahat kayo imbitado rito! 

Laging nagsisimula ang programang Mindfields sa documentary showing. Iba iba ang ipapalabas na HipHop Documentary kada venue. 

Meron ding open forum na kung saan pwedeng mapaguusapan ang iba't ibang parte ng hiphop; kasaysayan, lirisismo, estetika ng beats, tips sa pagiging graff writer, beatboxer, battle rap, etc. 

May performances din para sa parheong beterano at baguhang emcees at limitado ito sa 2 tracks each para pilit kang i-perform yung dalawang pinakamagandang track lang. 

At siyempre, nauuwi yung gabi sa isang malaking open mic. Dito pwedeng magpakita o magensayo ng freestyle, sulat, o anomang babagay na instrumento. Bukas siya sa lahat ng klaseng emcee at lalo na sa mga hindi nakakaabot sa line up ng performances. 

Depende sa programa kada event/venue, paminsan nagkakaroon din ng graff exhibition, may mga bisitang poets, beatboxers, live DJ sets, at may tinatawag ding "mixed jam" (tulad ng Mindfields South, nagka IMPROVISED performance sila: Batas - Bass, Six the Northstar - korg, DJ Umph - MPC, Supreme Fist - turntable, at kung sino pang gustong mag-emcee o maglabas ng instrumento).

Isang importanteng punto rin ng Mindfields ay ang pagpaalala sa ibang tao na hindi umiikot sa RAP BATTLES ang mundo ng hiphop. 

At higit sa lahat, ayon nga sa subtitle ng Mindfields, isa siyang malaking selebrasyon ng kulturang hiphop sa pamamagitan ng edukasyon. Kaya anoman pinanggagalingan mo, imbitado kang makisama, maki-enjoy, at makitulong sa pagusbong ng galaw natin (lalo na't katumbas na nito ang holiday season party).

Makinig at matuto! Makiinom! Makita mga paborting emcees! Wag palampasin! 


-MGA EKSAKTONG ADDRESS NG MGA VENUE, PAKI GOOGLE MAP NA LANG KUNG DI NIYO ALAM KUNG SAAN-

Metro Manila Mindfields - B-Side, The Collective, Malugay Street, Makati City.

Mindanao Mindfields - Sa'less Diner, Saless Street,Uyanguren, Davao City. 

Visayas Mindfields - Theo's Bar, Meridian Hotel, 4 S Matig-A Street, Tagbilaran City.

Calabarzon Mindfields - DX Bar, Gen. Trias Drive (halos katapat ng SM Rosario), Rosario, Cavite.

Central Luzon Mindfields - Garahe Disco Bar, 20 Magsaysay Drive, Olongapo City, Zambales.

FlipTop Mindfields 2012

Ito yung bagong format ng Mindfields para sa taon! Para alam na rin ng lahat kung ano ang mapupuntahan nila sa events natin.

Twice a month na ang Mindfields HipHop Night, at ang bagong susubukan namin, may isang Mindfields sa North (Quezon City) at isa sa South (Paranaque), para mas accessible para sa parehong dulo ng Metro Manila. Kapag may iba ring lugar sa labas ng Metro Manila interesadong magpa Mindfields (tulad ng gagawin namin sa Davao pagdating namin dun), pwede niyo kami i-kontak tas subukan natin ayusin.

Ang current schedule ng Mindfields ngayon (abangan na lang din ang mga posters at ibang detalye!) :

Feb 16, South, Club Z, Abad Santos Ave/Sucat road, Paranaque.

Mar 1, North, Skarlet/Ten02, Timog Ave, Quezon City.

March 15, South, Club Z, Abad Santos Ave/Sucat road, Paranaque.

March 29/30, North, TBA


P50 Entrance --> Magiging suporta niyo sa eksena

Host --> iba ang host kada Mindfields para makapagbigay din sila ng mga pananaw nila tungkol sa HipHop habang nagho-host.

Main performer --> May pinakamahabang performance set sa gabi. Para makita ang buong range at trabaho ng napiling emcee.

non-main performers --> tig 2 tracks lang lahat. para maencourage ilabas ang pinakamalupit na tracks (dahil konti lang ang mapipili talaga kapag 2 tracks lang ang performance) at para mabilis ang transition ng mga performers.

Mixed Jam --> Halo halo ng mga emcees at musicians para mag improvise (hindi praktisado) ng jam, mga 25 mins din ang takbo nito.

Open Mic --> isa sa tradisyon talaga ng HipHop. Dito pwede sumalang lahat ng emcee, mapa freestyle man o sulat ang banat mo, basta may beats, may mga trentang emcees, at isa isa makakahawak ng mic, papasa pasa lang, at kahit gaano kahaba. kadalasan magiging huling parte ng HipHop night. Inaanyayahan din namin ang mga emcee na bago o wala talagang crew para mapakita din nila yung talento nila.

4-way Old School Battle --> apat na emcees, first come first serve registration at the event, P750 registration, round robin format + finals, may beat, mics, tatlong 1-min rounds, 5 judges. 1st placer gets 2000 and 2nd placer gets 1000. Champ also has priority slot in the next Mindfields should he choose to defend his title.

Graff Exhibit --> Local graff talent will provide pieces live for the event, if venue permits.

Beatbox battle --> COMING SOON

Workshops/Documentaries --> Documentaries may be shown and workshops may be conducted on any given Mindfields. Tatalakayin ang iba't ibang elemento ng hiphop, o trabaho't pananaw ng ibang emcees.



Paki pasa na rin sa lahat ng interesado!!!