FlipTop Mindfields
MAKATI + DAVAO + TAGBILARAN + CAVITE + OLONGAPO
* * * MINDFIELDS * * *
HIPHOP EDUCATION AND HIPHOP CELEBRATION
5 SEPARATE VENUES AROUND THE COUNTRY!
FREE ENTRANCE
--> Para sa mga hindi pa nakakapanuod ng Mindfields, sa ibang salita, ito yung non-battle-oriented event ng FlipTop.
Beteranong emcee, baguhang hiphop, outsider pero seryosong interesado sa kultura, nangangating emcee, beatboxer, b-boy, graff writer, DJ, old school enthusiast? Lahat kayo imbitado rito!
Laging nagsisimula ang programang Mindfields sa documentary showing. Iba iba ang ipapalabas na HipHop Documentary kada venue.
Meron ding open forum na kung saan pwedeng mapaguusapan ang iba't ibang parte ng hiphop; kasaysayan, lirisismo, estetika ng beats, tips sa pagiging graff writer, beatboxer, battle rap, etc.
May performances din para sa parheong beterano at baguhang emcees at limitado ito sa 2 tracks each para pilit kang i-perform yung dalawang pinakamagandang track lang.
At siyempre, nauuwi yung gabi sa isang malaking open mic. Dito pwedeng magpakita o magensayo ng freestyle, sulat, o anomang babagay na instrumento. Bukas siya sa lahat ng klaseng emcee at lalo na sa mga hindi nakakaabot sa line up ng performances.
Depende sa programa kada event/venue, paminsan nagkakaroon din ng graff exhibition, may mga bisitang poets, beatboxers, live DJ sets, at may tinatawag ding "mixed jam" (tulad ng Mindfields South, nagka IMPROVISED performance sila: Batas - Bass, Six the Northstar - korg, DJ Umph - MPC, Supreme Fist - turntable, at kung sino pang gustong mag-emcee o maglabas ng instrumento).
Isang importanteng punto rin ng Mindfields ay ang pagpaalala sa ibang tao na hindi umiikot sa RAP BATTLES ang mundo ng hiphop.
At higit sa lahat, ayon nga sa subtitle ng Mindfields, isa siyang malaking selebrasyon ng kulturang hiphop sa pamamagitan ng edukasyon. Kaya anoman pinanggagalingan mo, imbitado kang makisama, maki-enjoy, at makitulong sa pagusbong ng galaw natin (lalo na't katumbas na nito ang holiday season party).
Makinig at matuto! Makiinom! Makita mga paborting emcees! Wag palampasin!
-MGA EKSAKTONG ADDRESS NG MGA VENUE, PAKI GOOGLE MAP NA LANG KUNG DI NIYO ALAM KUNG SAAN-
Metro Manila Mindfields - B-Side, The Collective, Malugay Street, Makati City.
Mindanao Mindfields - Sa'less Diner, Saless Street,Uyanguren, Davao City.
Visayas Mindfields - Theo's Bar, Meridian Hotel, 4 S Matig-A Street, Tagbilaran City.
Calabarzon Mindfields - DX Bar, Gen. Trias Drive (halos katapat ng SM Rosario), Rosario, Cavite.
Central Luzon Mindfields - Garahe Disco Bar, 20 Magsaysay Drive, Olongapo City, Zambales.
0 comments: